Isa pang kontro­bersyal na sinabi ni Gil Portes ay kung ire-remake ang pelikula niyang ­Markova ang gusto niyang gumanap sa role ni Dolphy ay si ­Piolo Pascual.

At nang itanong kung bakit si Piolo, ang sabi ay, “Because Piolo is a beautiful man.”

‘Yun na!

***

MUKHANG excited na ang mga taong mapanood ang Ang Babaeng Humayo at gawing entry natin sa Oscars.

Sana, pagkatapos kumita ng Star Cinema sa showing na ngayong Barcelona, A Love Untold, maisingit ng Star Cinema na i-release ang Golden Lion award winning-film sa Venice.

***

Ang tigas-tigas ng mukha at medyo overacting si Ayen Laurel sa role sa teleseryeng Born For You.

Pati ‘yung pagkanta niya, nakakaiyak.

Buti na lang, patapos na ang teleseryeng ito.

Parang pareho ang hulma nina Ayen at ­Sheryl Cruz.

***

Nagpapakontro­bersyal si Gil Portes sa kanyang mga pahayag sa radio show ni Cristy ­Fermin.

Sukat ba namang sabihin niya na hindi kumpleto ang karanasan mo kung di ka makukun­sumi sa shoot ng napa­kagaling na si Nora Aunor.

OK na sana ang purihin si Ate Guy sa kahusayan niya pero marami pang dagdag na statement na hindi ikinaaliw ng Noranians.

***

Todo-todo ang kampanya para kay Janine Tugonon para mapasama sa ramp models ng ­Victoria Secret.

As of now, #4 na siya sa ranking ng mga pasok na models. Maganda ang texting component at pabor sa mga ­Pinoy. Karangalan din para sa ating bansa ang pagkakasama ni Janine sa VS commercial.

***

Bold & daring ang bikini boys na magtatagisan sa Search for One-Side Bikini King 2016, na nakatakdang ganapin sa Setyembre 24, Sabado, sa One 690, #39 Roces Av., Quezon City.

Sa pictorial pa lang, ‘yung iilan eh walang keber kung mag-hello ang kanilang Easter eggs.

Meron pang nagpasi­lip ng Hungarian sausage!

Naka-post ang first teaser ng palabas sa YouTube channel na HAMOG SA HAMOG.
***

Hindi natatapos sa mundo ng Encantadia ang pagiging mag-ama nina Glaiza de Castro at John Arcilla.

Hindi pinalampas ni Glaiza­ ang pagpapakita ng full support kay John nang panoorin niya ang huling gabi ng musical play ni John na Dirty Old Musical.

Sa Instagram, ibinida pa ni Glaiza­ na isang “proud Hathoria moment” ang mapanood ang aktor.

***

Ipapalabas muli ang Korean romcom series na Coffee Prince sa GMA News TV.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 11:00 PM, si­mula September 19.

Bida sa nakakikilig na serye ang Korean stars na sina Gong Yoo at Yoon Eun Hye.

Matunog ngayon ang pangalan ni Gong Yoo dahil sa pinag-uusapang zombie apocalypse movie niya na Train to Busan. Unang napanuod ang Coffee Prince sa GMA 7 noong 2008.

4 Responses