Piolo ‘di ipagdadamot si Iñigo sa ina

Nag-guest noon ang ex ni Papa P. na si Donnabelle Lazaro, ang ina ng anak niyang si Iñigo Pascual sa Kapamilya morning show na ‘Magandang Buhay’ kung saan naka­panayam ito nina Melai, Jolina at Karla.

Ayon kay Papa P., hindi raw nila pinag-usapan ni Donnabelle ang pag-guest nito sa nasabing morning show dahil matagal na silang walang communication at sa sobra niyang busy.

Hiningan din namin ng pahayag ang aktor sa sinabi ni Donnabelle na sa Pilipinas na ito maninirahan.

Hirit pa ni Piolo, wine-welcome raw niya ang move na ito ni Donnabelle.

“Siyempre, it’s good. Good for me kasi I get to see my son more often,” hirit niya.

Bilang magulang, ayaw rin daw naman niyang ipagkait si Iñigo sa kanyang ina.

Hindi rin daw magiging problema kung may magiging kasalo na siya sa oras at atensyon ni Iñigo.

“My son naman is very…One thing I appreciate about him, he makes time for me. When he’s busy, he makes sure na he visits me or he speaks with me. There’s never a week na never kaming nagkita. We check upon each other every day and night. He finds time to be with me at wala akong problema roon” paliwanag niya.