Alam niyo ba, ang box-office darling at critical hit na “Deadma Walking,” ang original cast pala dapat ay si Dingdong Dantes at Roderick Paulate?
Hindi ba, nakaka-baliw na ang kanilang mga palayaw, si Jose Sixto ay Dingdong, at si Paulate ay “Dick” as in Kuya Dick, ay parehong slang terms para sa phallus? Sure na sure na iba ang dynamics kung Dong at Dick ang bida.
‘Yung role ni Joross Gamboa ang dapat kay Dantes. ‘Yung kay EA Guzman naman, ay dapat pala si Roderick. Excited na nga si Dingdong na gawin dapat ang pelikula kaso super busy siya sa isang action drama anthology kaya hindi kakayanin ang sked.
Normal na kay Paulate na maging bading sa pelikula. May mastery na siya to do a gay role. Eh si Dingdong, first time dapat and how brave he is to take the gay role challenge, hindi ba naman?
Ang Kapuso Drama King rin, si Dennis Trillo, walang qualms na mag-bading role. Kasaysayan na ang inukit nila ni Tom Rodriguez, bilang Eric at Vincent sa “My Husband’s Lover.”
Una ring napansin ang husay ng aktor sa “Aishite Imasu 1941: Mahal Kita” kung saan cross-dresser siyang pusong babae.
Ang Kapamilya Drama King in sabbatical, si John Lloyd Cruz, nakipag-tagisan ng galing at nakipagsampalan pa sa Star For All Seasons Vilma Santos, bilang gay lover ni Luis Manzano sa “In My Life.”
Bading o transgender nga ba siya, at hindi nakipagtalbugan kay Ms. Charo Santos-Concio sa “Ang Babaeng Humayo.” Sakdal husay na nagampanan ni JLC ang kanyang mga pink character.
Kahit ang original Drama King, si Christopher de Leon, naging bading rin sa “American Adobo,” if my memory serves me right, may tender scene pa sila ni Ricky Davao, tama nga ba ang pag-alala ko?
Ang pambansang kayamanan, si Ginoong Eddie Garcia, superlative portrayal of an aging gay person sa “Bwakaw,” hindi ba naman?
Thus, I cannot help but wonder, ang forever papa nating lahat, si Piolo Pascual, sa nalalapit na panahon, does he have the balls and the guts to take the gay acting challenge lalo na nga’t karamihan, ang sinasabi, ang mga tunay na lalaking tulad niya, ang mas mahusay na gumanap at ang mga hinalimbawa ko ay ang mga sterling patotoo nito.
Eh ang isa pang matinee idol, ang papa can you hear me kong si Xian Lim, ang pagiging bading kaya sa pelikula ang katauhan na acting trophy muli ang ibibigay sa kanya?
Hindi credible si Lim bilang pulis na matulis sa “Corpus Delicti,” maging credible kaya siya, mabigyang puso at kaluluwa, ang isang gay character gaya sa 80’s cult gay classic na “Making Love?”
Ang latest underwear model para sa isang cosmetic empire, si Enchong Dee, pasok sa banga ba kung ang isang mala-Timothee Chalamet’s Elio sa “Call Me By Your Name” ang bibigyang-buhay niya?
Kaabang-abang ang bading acting challenge na ito para sa tatlo, huh!
***
Catriona ipinaglalaban ang puwersa ng
sangkabekihan
Kamakailan, may replay ang Miss Universe 2018 pageant. Muli kong pinanood ang silver lining win ni Catriona Gray. Walang duda na after she relinquish her crown sa bagong tatanghaling reyna, mahaba-haba ang karera na kanyang tatahakin. Love, especially the romantic kind, will obviously take a back seat sa pang-apat nating Ms. U.
Dahil nga Pride Month, ang buwan kung saan ipinagdiriwang ang kahit ano at lahat ng bagay na gay at pink, ang diva that you love, ang puso ay galak na galak dahil talagang ang ating Reyna Catriona, ipinaglalaban ang buong puwersa ng sangkabekihan.
Hindi ko na papangalanan ang may hanash na ganito: “What happen @catriona_gray about your testimony about your Christianity? Please do not compromise,” na tinapos niya with a sad emoticon.
Ang mas nakaka-sad dito, hindi siya marunong mag-past tense, ang happen, dapat happened at ang mas sickening, ang post na ito ay mula sa isang nilalang na nakakainis, nagmamalinis pero marumi naman.
Ang very well written na reaction ni Reyna Gray: “My belief as a Christian does not limit me from fighting for the right of others. I love my God and my fellow brothers and sisters. Religion is never an excuse to hate, put down or act indifferent to the suffering of others. I believe God is love, and I will treat everyone – no matter who they are, to the best of my ability, with love.”
Palakpakan na may kasamang sigawan para kay Catriona Gray. Kaya ang mga diwata at sirena, hindi ka lang minamahal, sinasamba ka!