NI:ARCHIE LIAO
Maraming netizen at mga kababaihan ang bumilib sa sipag ni Piolo Pascual habang naglilinis sa bakuran ng kanyang bahay sa Batangas.
Sa video makikita ang nakahubad na mala-Adonis na Kapamilya actor habang nagwawalis sa kanyang pribadong property.
Humanga ang mga fan na sa kabila ng pandemya ay nagawa pa rin nitong maging kapakina-kinabang ang kanyang homestay.
Siyempre, na-distract ang mga faney sa kanyang pa-abs at pa-biceps.
Sey ni Ktzie Rine: “Iyan na pala bago work-out routine mo, Papa P!’
Hirit naman ni Ann Jannette Bordey-Estepa: “Keber sa walis, nagsusumigaw ang biceps.”
Sabat naman ni Donna Beth Ago-o Sucgang: “ Ang hot na nga ang hot pa ng nagwawalis iba talaga pag sa probinsya ka nakatira sariwa ng hangin.”
Komento naman ni Jhenny Dones De Leon:”Punasan ko na pawis mo Papa piolo. grabe khit pawis bango pa rin.”
Meron pang mga naglandi kay Papa P na gusto raw nila itong i-hire bilang gardener sa kanilang private garden.
Type din daw nila paararo sa hunk actor ang kanilang kabukiran. (Archie Liao)