Piolo, Matteo kakaripas

Break muna sa showbiz sina Matteo Guidicelli at Piolo ­Pascual para sumabak sa second ­Alveo Ironman 70.3 Davao presented by ­Petron sa Azuela Cove sa Linggo, Marso 24.

Ilang taon nang sumasabak ang dalawang aktor sa event, makakasama nila sa edisyon ngayon sina Kim Atienza, Dingdong Dantes at Bubbles Paraiso.
Makikipagbuno sila sa individual at team competitions ng 1.9K swim, 90K bike, 21K run event.

Uumpisahan ng IronGirl ang Ironman weekend.

Nasa 1,000 participant ang magtatagisan ng lakas sa 12-year-old-above 5K fun run mamayang 5 pm (Marso 22).

Sa centerpiece Elite Division, ipagtatanggol nina Mexican Mauricio Mendez at Czech Radka Kahlefeldt ang titulo sa men’s at women’s divisions ng hagaran na inorganisa ng Sunrise Events, Inc.

Ilan sa mga inaasahang aagaw-eksena sa men’s sina Australians Tim Reed, Sam Betten, Tim Van Berkel, David Mainwa­ring, Matt Lewis at Fraser Walsh.

Sa mga kababaihan, banta kay Kahlefeldt sina regular PHL campaigners Caroline Steffen ng Switzerland, Dimity Lee Duke, Kirra Seidel at Lisa Tyack ng Australia, at Manami Iijima ng Guam. (Vladi Eduarte)