Piolo na-lockdown ang abs

NI: ARCHIE LIAO

Nagpaunlak si Piolo Pascual na mag-guest sa Quarantine Chika Sessions ng tanyag na fashion photographer na si Raymund Isaac sa Facebook live streaming nito.

Nasa remote location sa resthouse niya sa Batangas ang aktor at ASAP host.

Naitanong sa kanya kung bakit lately wala siyang social media post na nakahubad.

Nasanay na kasi ang mga tao sa kanyang pa-abs although nilinaw niya noon na hindi siya kundi ang kanyang social media manager ang nagpo-post sa kanyang socmed account.

Walang pa-abs si Papa P lately dahil tahimik niyang ini-enjoy ang kanyang solitude sa bundok.

Ayon kay Piolo,ipinahinga raw muna niya ang kanyang abs dahil sa lockdown.

Katunayan,nami-miss na niya ang paglalaro ng badminton na isa sa mga una niyang gagawin pagkatapos ng ECQ.

Sa tanong sa kanya kung nai-enjoy niya na pinagpapantasyahan siya sa kanyang mala-Adonis na hitsura at pangangatawan, aniya,hindi raw siya komportableng isipin na he’s just a piece of meat because he’s more than that.

Pahayag pa niya,proud daw siya sa kanyang malusog na pangangatawan . Masaya siya kung may nai-inspire siya sa kanyang healthy living.

Kahit nasa showbiz,hindi raw siya iyong tipong banidoso kaya keber siya kung tubuan siya ng puting buhok dahil mas mahalaga sa kanya ang ‘aging gracefully’.

Naniniwala rin siyang ang social media ay hindi dapat ginagamit para i-promote ang sarili kundi dapat gawing instrumento o boses para makatulong sa kapuwa.