Piolo, naiinip na sa babaeng papakasalan

Piolo Pascual

SABI sa isang kanta, “Siya’y isang lalaking makisig, kayganda ng mukha at tindig.”

At kapag kaharap mo na ang lalaking ito, may kung anong kaba sa iyong dibdib at may tila init na bubulwak sa iyong kaloob-looban.

Ganyan si Piolo Pascual sa diva that you love.

Muntik ko nang makalimutan ang pagmamahal ko para kay Xian Lim dahil sa kanya.

Bagay na bagay rin kay Pascual ang kanyang haircut kaya mukha siyang younger at fresher.

Ano ba ang ginagawa niya at maintained niya ang kanyang palung-palong katawan?

Sagot ni Papa P, “I don’t do diets. I eat everything. For me that’s a reward. Put off make-up after shoot or taping before I sleep. And I sleep 8 hours a day.

“Basta, walang ibang gagawin. I make it a point. And live clean! If I can inject at least 2 hours of badminton, run or just step out of my condo just to walk and run.

“May paraan naman kung gusto; kung ayaw, may dahilan. You also have to rest.

“But I don’t count the calories when I eat. I don’t believe in that. Alam mo naman kung ano ang kailangan ng katawan mo.

“Ang importante, ‘yung resolve mo na for you to feel good, you must be ready to be fit.”

Dagdag ni Pascual, “Stay away from vices. We only have one life to live. Enjoy life but you just have to realize that your body is just one so you keep progressing.”

***

Financially stable, emotionally healthy, spiritually mature at kahit ripe na ang kanyang age na 39, near perfection ang kanyang physical attributes.

Kaya takang-taka ang madlang pipol, bakit after the disastrous break up with KC Concepcion, eh wala pa ring nababali­taang babae na he wants to have and hold forever?

Pag-amin ni Papa P tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig, “Ako rin, naiinip na, eh.

Mahirap matulog sa gabi na mag-isa.

“I’d come to a point na I don’t look for anymore. I just enjoy life. It if comes, it comes.

“I hope it comes soon though, I’ve come to the point na I don’t look for it anymore.”

“As much as I don’t have time for it, I just enjoy life and I still have so many things I want to do so if it comes, it comes and I hope it comes soon when it comes.

“Happy naman ako. Baka maunahan pa ako ng anak ko but grateful lang ako sa mga blessings na nangyayari sa buhay ko and besides, I enjoy life.

“Gusto kong mag-travel, gusto kong marami pang gawin and just like what I said, when it comes, it comes. Hindi ko naman masasabing boring ang buhay ko.”

Bonus na malaki para kay Pascual kung ang future significant other niya ay health buff rin.

Aniya, “Ideally, yeah. I remember before, kapag meron akong nagiging girlfriend, it’s either I buy her a bike or I invite her to run because it’s my regular activity so we do things together. Parang ‘yun na ang bonding time namin.”

***

Ang anak niyang si Iñigo Pascual ay isa na sa brand ambassadors ng Go Well.

Ang iba pang celebrity ambassadors nito ay sina Tessa Prieto Valdes, Bubbles Paraiso, Jaymee Pizarro at Rovilson Fernandez.

Juice ko! Hindi ako emotionally prepared na brand ambassador rin pala si Rovilson.

Bet na bet ko pa naman ang lalaking kalbong ito. Kinilig ang diva that you love sa presensya niya. Iba talaga ang dating niya sa akin.

Kinanta ni Iñigo ang jingle para sa Go Well. In his very Justin Bieberish get-up, charismatic ang anak ni Papa P.

Iyung jingle naman eh parang so created for his vocal range. Hindi ko lang maiwasang i-comparison at contrast ang mag-ama lalo na when it comes sa looks department.

Alam na alam na kung sino ang big winner sa papogian, huh!

Balitang may girlfriend na ang binata ni Piolo. Afraid ba siya na baka mauna pa itong magkaasawa sa kanya?

Reaksyon ni Piolo, “Sana naman, hindi. Sana, ‘wag naman pero he has a girlfriend already and hindi natin mapipigilan ang bugso ng damdamin ng mga bata.”

Papa does preach ang dramarama niya sa kanyang only son lalo na sa matters of the heart.

Kwento ni Piolo, “Lagi ko siyang pinagpapayuhan. I always tell him na hindi mo kailangan madaliin ang buhay.

“Just be practical and be wise with all your decisions. Kasi, ang isang pagkakamali, pwedeng mag-lead sa panghabambuhay na pagsisihan mo, eh.

“So, just be wise and learn from other people’s mistakes and always strive to be better.”