Piolo namundok na lang

NI: VINIA VIVAR

Pamumundok naman daw ang pinagkakaabalahan ni Piolo Pascual during ECQ (enhanced community quarantine) ayon na rin sa official digital Instagram page ng aktor.

Nag-post ang administrator ni Piolo sa IG ng larawan ng aktor na nasa bundok at sa caption ay nakasaad na ito araw ang pinagkakaabalahan ni Papa P every morning.

“Good morning! ito po ang isa sa pinagkakaabalahan nya, pagka gising sa umaga..namumundok! haha!” post ng IG admin ni Piolo with the hashtags #morninghike, #piolopascual, #buhayprobinsya, #quarantinelife.

Bagama’t hindi binanggit kung saan ito, ang alam namin ay may property si Piolo sa Batangas kaya maaaring doon siya naka-stay habang ECQ. May nag-comment ding netizen na sa Mabini, Batangas daw ang lugar.

Isa si Piolo sa mga artista natin who has been living an active healthy lifestyle na isa sa mga advantages niya rin ngayong panahon ng COVID-19 dahil at least ay malakas ang resistensiya niya na labanan ang virus.