Piolo naudlot ang pagku-quit sa showbiz

NATATANDAAN namin na nabanggit ni Piolo Pascual na pinag-iisipan niyang mag-retire na noon. May mga nabanggit din siyang gagawin once na nag-retire na siya or leave from showbiz.

Pero obviously, Piolo still remain active in showbiz. Na bukod sa pag-arte, into producing din. So tinanong namin si Piolo if erase-erase na ‘yung plano niyang ‘yun?

Aniya, “I thought I’m gonna retire last year, ang labo nga, e. Kasi, twenty years na akong nagtatrabaho. Parang I want to give time like para sa anak ko,” saad niya.

Natawa si Piolo at tila aminado rin nang sabihin namin na may sariling buhay na rin namang masasabi ang anak niya na si Iñigo.

Pero dahil matagal na raw niyang ginagawa ang ginagawa niya nga, parang naisip daw niyang umalis naman siya ng comfort zone niya.

“Parang I wanted to challenge myself. Pero noong pumirma ulit ako sa ABS CBN, nu’ng mag-40 ako, I had to go through that. I had to go through that 6 months of finding myself. Nagbakasyon ako with my family. I needed to be around with my family. I needed to be around with people who understood me.”

In-assess daw niya ang lahat. If he’s still happy. At doon daw niya sinurender ang lahat kay Lord na kung ‘yun nga ang will sa kanya, kung para talaga siya rito, sino raw siya para tumanggi sa blessing.

Sa pagkaka-recall pa ni Piolo, simula raw nang pumirma siya ng kontrata, mas nagkasunod-sunod pa ang mga blessings niya including his being a producer.

“Kumbaga, hindi ko siya puwedeng i-refuse. I’m in a better place.”

One of the most in-demand celebrity endorser pa rin si Piolo. Ngayon nga ay siya ang kinuhang endorser ng Highlands Gold Corned Beef at very happy si Piolo sa bago niyang endorsement.

Bukod sa comfort food para sa kanya ang corned beef, proud pa siya sa naturang brand. Hindi rin daw niya ugaling i-deprive ang sarili sa food para lang makapag-diet.

“Isa lang ang buhay natin. Kung lilimitahan natin ang sarili natin, you just have to balance. We wanna enjoy life. We want to enjoy the pleasure of being rewarded. Ako, sobrang reward sa akin ‘yung kumakain ako.

“And I love to eat, sobra. Kaya malakas din akong mag-gym.”

Atom Araullo  atras sa pag-arte

Atom Araullo

“HINDI naman ako nag-aartista,” ang mabilis na pagtatama ni Atom Araullo sa pagsasabing artista rin siya.

Past tense nga rin niya kung tukuyin ang attempt niyang gumawa ng pelikula, ang Citizen Jake. Maybe because, nagawa na nga niya kayang past tense na ang pag-refer niya rito though, hindi pa rin ito pinapalabas.

Pero sigurado si Atom nang makausap namin na ang talagang gusto niya na mas mag-grow pa bilang isang broadcast journalist. Mainly, one of the reasons din kung bakit nga nagkaroon siya ng big switch from Kapamilya to Kapuso.

Ibinigay naman nga ng GMA-7 ang isa sa mga gusto niya talagang gawin, ang magkaroon ng documentaries. Ang mapapanood sa Linggo, November 5 na Philippine Seas ay ang unang docu niya bilang Kapuso.

In fairness, nakikita namin ang panay-panay plug ng network sa Philippine Seas and all-out din ang promotion. Feeling naman namin, aabangan talaga ng mga manonood ang docu na ito sa dalawang dahilan.

Excited din, lalo na ang followers at viewers talaga ni Atom na makita siya kung paano ngayon sa isang documentary sa bago niyang tahanan.