tonite-imo-vinia-vivar
Sa pagpasok ng 2019,  bising-busy pa rin si Piolo Pascual dahil bukod sa naka-concentrate siya sa mga upcoming project nila sa Spring Films kung saan ay isa nga siya sa producer, tatlong pelikula rin ang nakatakda niyang gawin para sa naturang produksyon plus may naka-line-up din daw siyang movie for Star Cinema.
He’ll be doing Post Angst, Puppy Love and Nazareno bukod pa nga sa kasama siya sa Marawi movie.  Kaya this year ay mukhang sa pelikula siya talaga magko-concentrate at ang paggawa ng serye ay tila maisasantabi na nga niya.

 

Napakarami ring plano ng Spring Films na mga pelikulang gagawin this year in celebration of its 10th year in the business, at kabilang na rito ang concept nila for Kathryn Bernardo na nakatakda pa lang nilang i-pitch, ang History of Parking Lot. Ang rebelasyon dito, hindi raw kasama si Daniel Padilla sa pelikula.

 

So, paghihiwalayin nila ang KathNiel?

 

“Wala kaming kinalaman do’n,” natatawang sabi ni Papa P sa presscon para sa 10th anniversary ng Spring Films at premiere night na rin ng pelikulang Kuya Wes na ginanap sa UP Cine Adarna.

 

May iba raw silang pelikulang nakaplano for Daniel kaya good as saying na maghihiwalay nga ang dalawa.
At dahil malapit na ang Valentine’s Day, natanong namin kay Piolo kung ano ang balak niya or kung meron na ba finally siyang makaka-date.

 

“Oo nga, eh. Valentine’s na naman, ano?” sambit niya.

 

Pang-ilan na bang V-Day na loveless siya?

 

“Hindi ko na rin mabilang sa dami ng taon,” aniya.

 

This Valentine, ang ka-date raw niya ay ang kanyang nanay at nagpa-set-up na nga raw siya sa Batangas.

 

“Nagpa-set-up na ako. Sabi ko sa handler ko, “hindi ako pwedeng magtrabaho sa 14 kasi may date ako. Sabi ng handler ko, “sinon’g ka-date mo?” “Hindi ko pa alam.” So, niyaya ko ang mommy, we’re just gonna spend overnight sa Batangas,” he said.

 

Baka nga raw sumunod si Iñigo dahil dadating ang anak niya sa Feb. 13. Kaya family affair ang kanyang Araw ng mga Puso.

 

Samantala, dahil 10th anniversary this year ng Spring Films ay 10 pelikula rin ang nakatakda nilang ipalabas at pangunguhan ito ng Kuya Wes starring Ogie Alcasid na matatandaang entry to Cinemalaya Film Festival last year.

 

Dumalo rin si Ogie sa premiere night ng movie at masaya siya na magkakaroon na ng commercial run ang pelikula kung saan ay isa rin siya sa producer.

 

For commercial purposes ay in-edit daw ang movie kaya excited din siyang mapanood that night kasama ang asawang si Regine Velasquez.

 

Masaya rin si Ogie na ang Kuya Wes ang pambuwena-manong release ng Spring Films for this year. Mula sa direksyon ni James Robin Mayo, ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikula this March. Kasama rin sa movie sina Moi Bien, Ina Raymundo at marami pang iba.(Vinia Vivar)