Piolo pinagsawaang panoorin sa serye

ROMMEL PLACENTE: Sabi ni Piolo Pascual hindi na raw siya gagawa ng serye. Huli na raw ‘yung seryeng ginawa niya with Arci Muñoz, Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at JC de Vera na ‘Since I Found You’. Napagod na rin daw kasi siya sa mga taping na inaabot nang madaling-araw.

Magko-concentrate na lang daw siya sa paggawa ng pelikula at pagiging movie producer ng Spring Films.

Sa mga nakabasa ng naging pahayag na ito ni Piolo, me mga magsasabi na okey lang na ‘di na siya mapanood sa serye, konti na lang naman daw ang interesado na mapanood siya na umaarte sa telebisyon.

In fact bagsak nga raw sa rating ‘yung ‘Since I Found You’. ‘Yung mga solid fan niya lang daw ang mami-miss siya na mapanood sa serye. May mga reaksyon din na laos na raw naman kasi siya at kahit mga pelikulang ginawa niya ay nag-flop umano sa takilya.

Sobra naman mga detractors ni Papa P, ‘di ba? Kayo ka-Cuatros ano ang stand ninyo tungkol sa pagtigil na ni Piolo sa paggawa ng serye?

MILDRED A. BACUD: Sa tagal na rin naman sa showbiz ni Piolo, hindi nakakapagtaka na nanawa na siyang gumawa ng teleserye. Actually hindi lang naman siya sa mga artistang na-burn out. Buti nga siya sa teleserye lang umayaw, ang iba nga nag-quit na like Onemig Bondoc na sa kasagsagan din ng career ay umayaw. Ganoon din si John Lloyd Cruz. Kahit si Jericho Rosales dumating siya noon sa point na ayaw na magteleserye after ‘Ang Panday’. Nag-concentrate na lang muna siya sa pagkanta.

I think more of napagod na si Papa P. Gusto na lang mag-focus sa musical at comedy show dahil mas light at hindi madugo ang taping.

Bukod sa nagkakaedad na rin realization na rin sa kanila na bigyan na ng chance ang mas mga bata at baguhang artista. Sabi mo nga Kuya Rommel hindi masyadong nag-rate ang seryeng huling ginawa niya. Baka naman napagtanto niya ang ilang bagay-bagay.

RODEL FERNANDO: Dapat siguro ‘di muna nagsalita nang ganyan si Piolo. Telebisyon ang naghahari ngayon sa showbiz at teleserye ang in.

Siguro pag-isipan muna ito ni Papa P ang sinasabi niyang ayaw na niyang magteleserye. Totoong nakakapagod ang taping pero maganda pa ring nakikita sa tv lalo na kung araw-araw.

Puwede naman niyang pagsabayin ang pagpoprodyus ng pelikula at pag-arte sa telebisyon. Isa pa, kahit marami na siyang pera ay dagdag kita rin ito sa kanya na siguradong malaki ang talent fee niya.

Please sana ituloy pa rin niya ang paggawa ng teleserye. Marami sa mga fan niya ang gusto pa rin siya sa mga ganitong panoorin. Baka ‘pag tumigil siya ay malaos na lang siya bigla.

RONA AVECILLA: Siguro nag-i-enjoy na siya sa pagprodyus ng mga pelikula.
Marami naman nang napatunayan ang aktor sa larangan ng pag-arte. Alam kong hindi rin basta-bastang malalaos si Papa P, lalo na at well-established ang pangalan niya sa industriya.

At huminto man si Papa P sa pag-arte ay siguradong mami-miss niya ito. Babalik pa rin siya.