NI: JUN LALIN

Kapag si Pops Fernandez ang ka-chat namin sa Viber group namin na “Enciaga” ay sobrang aliw lang. Mabilis din kasing “sumakay” si Pops sa mga biruan.

“I am always happy, hehehe… did so many things this morning,” sagot niya dahil maaga nga siyang nagigising.

“Kulang na lang i-paint ko ‘yung house ko. Hahaha… Hindi nga kasi ako lumalabas ng bahay since the lockdown.

“I re-arranged na may furniture… no, joke lang. Hahaha!” sabi ni Pops.

Sa official Facebook page niya na Pops Fernandez (Concert Queen Official Page) mapapanood ang online interview niya kay Piolo Pascual.

Minsan naman, sa Instagram account niya nago-online show si Pops dahil, “’Yung ibang mga artista kasi, walang Facebook, kaya sa Instagram ako nagla-live. Pero I will post din naman sa YouTube very soon!”

Siyempre, may pagkakataon din na na-link sa isa’t isa sina Pops at Piolo, kaya balikan ninyo sa official FB page ng Concert Queen ang interview niya sa aktor at malay n’yo, napag-usapan nila ‘yon.

Actually, nabanggit ni Piolo sa interview sa kanya ni Pops na ang assistant pala ng Concert Queen, si Yolly, ang nagsabi sa aktor ng para sa online interview na ‘yon.

“Ayokong ma-hurt, baka kasi humindi. Baka ma-hurt ang pride ko, pero he’s the sweetest, pumayag naman,” sabi ni Pops.