Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
10:00 a.m. — JRU vs. EAC (jrs)
12:00 noon — St. Benilde vs. Lyceum (jrs)
2:00 p.m. — JRU vs. EAC (srs)
4:00 p.m. — St. Benilde vs. Lyceum (srs)
Target ng Lyceum of the Philippines Pirates ang pangalawang panalo para mapaganda ang puwesto sa team standings ng 92nd NCAA men’s basketball.
Haharapin ng ginaganahang Pirates ang wala pang panalong College of Saint Benilde Blazers mamayang hapon sa The Arena sa San Juan.
Kahit wala si center Joseph Gabayni, nasungkit ng Lyceum ang unanag panalo nang tambangan ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 69-66.
Si Nigerian import Mike Nzeusseu ang nanguna sa opensa ng Pirates nang makuha ang unang panalo sa apat na salang, nagtala ng 24 points at 21 rebounds. Bumakas si Adrian Alban ng 19 points.
Sa unang sultada, mag-uunahan sa 2-3 baraha ang JRU at Emilio Aguinaldo College Generals.
Katulad ng Pirates, may tig 1-3 cards ang Heavy Bombers, Generals at San Sebastian College Stags.
Pipigain sa opensa ni JRU head coach Vergel Meneses sina Tey Teodoro, Paolo Pontejos, Jordan dela Paz at Cameroonian duo nina Abdel Poutouochi at Abdul Razak Abdul Wahab.
“We’re not playing with heart,” dismayadong saad ni former PBA MVP Meneses.