PIRATES NAPIGA SA CARDS

Jayvee Marcelino

Hindi masyadong naging dominado ang Lyceum of the Philippines pero pinitas pa rin ng Pirates ang 10th straight win 96-90 kontra Mapua kahapon sa 93rd NCAA basketball sa FilOil Flying V Center sa San Juan.

Nakaungos ang Cardinals sa first quarter 21-20, sa second ay dumaan muna sa butas ng karayom ang Pirates bago naagaw ang manibela.

Nirehistro ni CJ Perez at Jaycee Marcelino ang 22 at 19 points para sa unbeaten Lyceum.

Binigyan ni coach Topex Robinson ng quality minutes sina Ralph Tansingco at Sam Marata.

Hawak ang 48-43 lead sa halftime, bumuka ang bentahe ng Pirates sa third 73-58 pero nakalapit muli ang Cardinals sa fourth.

Kumikig ang Cardinals sa payoff period matapos silang bitbitin ni JP Nieles subalit nanatiling naging matatag ang Pirates.

Hindi pasado kay Robinson ang performance ng kanyang mga players.

“Again Mapua is a good team. The fact that (Andoy) Estrella wasn’t there, if he was there it would’ve been a different story. We didn’t play our usual game, we didn’t honor the game,” pahayag ni Robinson.

Bumakas sina Tansingco at MJ Ayaay ng tig-10 markers para sa Lyceum.

Kumamada si Leo Gabo ng 21 puntos para sa Mapua, may 18 points at 14 rebounds si Christian Bunag sa Cardinals na isa pa lang ang naipanalo sa 11 laro.