Dahil sa pagsuspendi ng mga klase sanhi ng malakas ng pag-ulan dulot ng bagyong Isang, nagdesisyon ang NCAA ManCom na ipagpaliban ang mga laro ng Season 93 basketball tournament ­nakaiskedyul sa Filoil Arena sa San Juan kahapon.

Inanunsyo ni Management Committee chair Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian ang balita, dinagdag nito na ihahayag na lang ang petsa kung kelan ilalaro ang na-postponed na mga laban.

Naudlot ang asam ng Lyceum of the Philippines na elimination sweep ­laban sa kapitbahay sa Intramuros na Mapua.

Pangalawang beses nang ­natengga ang paghaharap ng Pirates at Cardinals, nakatakda sana silang magharap noong July 28 pero nasalto sila ng bagyong si Gorio.

Kapag maganda ang panahon, maghaharap bukas ang San Sebastian at JRU sa pagdayo ng Heavy Bombers sa San Sebastian Gym sa Quiapo, Maynila.