NABULABOG ang Encantadiks kagabi dahil sa unang pagkakataon ay naghalikan na sina Pirena (Glaiza de Catstro) at Azulan (Marx Topacio) sa Encantadia.
Inabangan ang first kiss ng AzPiren na parami nang parami ang shippers at fan following.
Naganap na ‘yung sinasabi sa amin ni Glaiza na pagkakakaroon ng lovelife ni Sang’gre Pirena kaya mababawasan na ang pagkayamot nito.
Suwerte rin ang hunky actor-model na si Marx Topacio dahil sa Enca ay si Glaiza ang ka-kissing scene niya, tapos in real life ay ang beauty queen gilfie niya na si Maxine Medina.
May mga kinikilig din kina Cassiopeia (Solenn Heussaff) at Emre (Zoren Legaspi) lalo pa’t nagkakalapit ang dalawa at tila may mga galawang Breezy si Emre kay Cass.
Bagong pasok ang karakter nina Odessa (Sheree) at Juvila (Jinri Park) na kinuha ng pashneang si Avria (Eula Valdez) mula sa nakaraan.
Ipinakita na rin ang pagbabalik ni Reyna Mine-a (Marian Rivera) kaya lalong na-excite ang Encantadiks.
Sa isang IG Story pic ni Marian ay naka-warrior costume siya kaya kutob ng fans ay napasabak sa digmaan ang nagbabalik na reyna ng Lireo.