“ONCE a Sang’gre, always a Sangre!”

Parating na sa Avila sina Pirena (Glaiza de Castro) at Lira (Mikee Quintos)!

Hindi ma-explain ng dalawang Kapuso stars and excitement nilang gampanan ulit ang role ng mag-ashti sa Encantadia.

Namangha si Mikee sa set ng Mulawin vs. Ravena dahil sobrang ganda raw at mas malaki kaysa sa set ng una niyang telefantasya.

Dapat daw abangan ang pagbabalik ng kakulitan ni Lira at ang po­wers niya.

“Kung hindi mas­yadong naipakita sa Encantadia ‘yung galing niya sa magic, dito makikita na ‘yon kay Lira,” sey ni Mikee.

***

May ituturong lesson si Glaiza sa mga kids this Sunday sa Daig Kayo ng Lola Ko bilang si Mildred.

Pero hindi ito lesson about self-defense.

Tinraydor siya rito ng isang nagpanggap na kaibigan.

Knowing Glaiza and her past roles, palaban siya at hindi nagpapatalo!

Paano niya haharapin ang kalaban niyang ito?