Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Magandang hapon po. Ako po ay si Henry ng Taytay, Bacolod City.

Ang lupang tinitirahan namin ay isang compound na halos kulang kulang 3 hektarya mula sa angkan ng mga kapatid ng a­king biyenan. Eto po ay isinan­la ng kapatid sa bank na halos15 years na ang nakakaraan sa pamamagitan ng pag palsipika ng pirma ng mga kapatid nya at tumakas pa puntang ibang bansa hangang ito ay ma remata na.

Ang aking katanungan ay nais po naming humingi ng isang payo na aming magagamit sa pakikipag usap sa bank para bilhin ang lupa na tinitirikan ng aming tahanan at ilang parte, dahil sa na nangamba po kami na baka isang araw ay may dumating na notice mula sa bangko o baka isang araw may tao na duma­ting at kami po ay pa alisin na.
Umaasa sa iyong payo,
Henry

Henry,
Maganda sana ang laban ninyo na ma-question ang sinasabi mong sanglaan kung totoong napeke ang pirma ang ilang co-owner.

Ngunit dahil sa tinulugan ninyo ang karapatan ninyo na mapawalang bisa ang sanglaan ay hindi na ninyo iyan mahahabol pa dahil lalabas na ang pangsangla ay pinayagan din ng iba pang mga may-ari ng lupa.

Ang gagawin na lamang ninyo ay puntahan ninyo muna ang Register of Deeds kung saan nakarehistro ang lupa at alamin ang kung ano ba ang status ng titulo ng kamag anak ninyo. Kapag lumabas na sa bank na nakapa­ngalan ay talagang walang duda na naubos na ang panahon na tubusin ito mula sa banko. Kaya ko ito sinasabi ay baka wala pa namang foreclosure na nangyari at maaari pa ninyong habulin.

Kung wala ng pag-asa dahil sa nakapangalan na sa banko ang titulo ng lupa ay puntahan na lamang ninyo at kayo ang mag offer to buy. Alamin ninyo ang scheme of payment kung paano ngunit kadalasan kasi ay nais ng banko ng full payment at hindi hulugan na nais sana inyo.

Ang banko naman ay maraming pamamaraan kung nais nitong ibenta ang isang asset. Baka sila ay pumayag sa plano ninyo.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 922 0245 /410 7624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com