Binitiwan na ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan Jr. ang paghawak sa $10 million estafa case na isinampa ng Tiger Resort Leisure and Entertainment, Inc. (TRLEI), operator ng Okada Manila, laban kay Japanese gaming tycoon Kazuo Okada.
Sa isang memorandum na ipinadala kay Justice Secretary Menardo Guevarra na may petsang Hunyo 8, binanggit ni Catalan sa sulat na pumayag siya sa mosyon ng complainant na mag-inhibit siya sa estafa case ni Okada.
Ang kaso ay inilipat sa Department of Justice (DOJ) mula sa Parañaque City prosecutors office matapos mag-leak ang kopya ng resolution na nagpapawalang sana sa bilyonaryo.
Pinadistansiya ng TRLEI si Catalan sa estafa case ni Okada dahil dati na niyang inabsuwelto sa perjury case ang negosyante at ang dating presidente ng kompanya na si Takahiro Usui noong Marso 19.