Kahit na ang positibong balita hinggil sa paglago ng ekonomiya ng bansa, hindi nito nahila ang sadsad na halaga ng piso kontra dolyar.
Lumakas lang ang piso sa P51.250 sa bawat isang dolyar sa opening ng kalakalan nitong Huwebes matapos lumabas ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 6.5 percent ang ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon.
Sa buong maghapon, naglaro sa P51.170 hanggang P51.380 ang halaga ng bawat isang dolyar.
Sa pagsasara ng trading kahapon, sumadsad sa P51.355 ang halaga ng piso sa bawat isang dolyar, bahagyang mababa kumpara sa P51.350 sa pagsasara ng trading noong Miyerkules.