Pistons scout positibo sa coronavirus disease

Na-diagnose na positibo sa coronavirus si Maury Hanks, ang scout ng Detroit Pistons.

Si coach Steve Forbes ng East Tennessee State U ang nagbasag ng balita sa Twitter, humihingi ng suporta para sa kaibigan.

“Our prayers are needed tonight for my good friend Maury Hanks, who has enjoyed a life-long association with the game of basketball in college and the NBA,” tweet ni Forbes. “He is fighting the #coronavirus and needs our help.”

Dekada ring naging coach sa college si Hanks, umakyat sa NBA at naging scout din ng Brooklyn Nets at Toronto Raptors.

Positibo rin sa COVID-19 si Pistons big man Christian Wood, nakarekober na, pero kailangan pang ipasa ang ilang tests bago maging fully cleared.

Nang lumabas ang resulta ng test ni Wood, pinag-self-isolate ang Pistons players, coaches at staff. Natapos ng Miyerkoles ang self-quarantine nila.

Tinest lahat ng 17 members ng traveling party ng Pistons, negatibo lahat.

Hindi pa malinaw kung saan nakuha ni Hanks ang virus.

Si Wood ang pangatlong NBA player na nag-positive sa COVID-19 pagkatapos nina Utah Jazz center Rudy Gobert at Donovan Mitchell. Sumunod si Kevin Durant ng Nets.