Piyansado bumulagta sa hitman

Sa kasagsagan ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19, nasawi pa rin ang isang lalaki matapos na ito ay barilin ng isang pagala-galang gunman sa Candelaria, Quezon, Martes ng tanghali.

Agad binawian ng buhay ang biktima na si Joel Salud na isa umanong piyansado sa iba’t ibang kinakaharap na kaso.

Batay sa report ng Candelaria police, sakay ng motorsiklo ang biktima at tinatahak nito ang barangay road sa Barangay San Isidro nang ito ay harangin ng suspek at malapitang pagbabarilin.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na siya nitong agarang ikinamatay. Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril.

Ayon sa pulisya, dati nang naaresto ang biktima sa kasong iligal na droga at pagiingat ng mga pampasabog. May kaso rin itong illigal possession of firearms sa bayan ng Tiaong subalit kasalukuyang nakalalaya matapos magpiyansa. (Ronilo Dagos )