Plakado kay Anne: Heart gumaya sa buntis isyu

NI: MILDRED BACUD

Nilinaw ni Heart Evangelista sa kaniyang Twitter na hindi siya buntis.

Post niya, ” I am not pregnant, fake news, thank you for all your wishes but I am not.I’d like to set the record straight. It is a sensitive topic for me.Thank you with prayer emoji.

Kaagad namang dinagsa ito ng mga reaksyon.

Sabi ng isang netizen ” Tigilan na ang pagtatanong sa mag-asawa kung kelan magkaka-anak. Nakakasama kayo ng damdamin. Parang pinamumukha nyo na may kakulangan ang mag-asawa kung walang anak.”

Hirit naman ng isang nagkomento,

“Parang wala naman akong nabalitaan na (fake) news yan ngayon. Laging pa-relevant si atih.

Sinagot nqman ito ng isang netizen na , “Dahil wala kang nabalitaan doesn’t mean it doesn’t exist. Napaka self centered naman ng view na yan. Nabasa no na ba lahat ng comments sa Twitter niya. Magbasa ka muna bago ka kumuda diyan.”

Ang pagiging sensitive ng isyu ng pagbubuntis kay Heart ay narinig na kay Anne Curtis last year.When a reporter asked her about pregnancy sabi niya unethical daw itong itanong kahit na sa sinong babae dahil wala naman nakakaalam ng pinagdadaanan nila.

Understandable ito lalo na sa part ni Heart dahil matatandaang May of 2018 ay nakunan siya sa kambal sa sinapupunan.Naging napakasakit nu’n kay Heart pero binabahagi niya sa publiko bilang parte daw ‘yon ng kanyang motherhood journey.