Ibinulgar kahapon ng EcoWaste Coalition (EWC) na nagtataglay ng mataas na level ng lead ang mga outdoor play equipment na inilalagay sa mga playground at iba pang lugar.

Ayon sa EWC, kinakitaan ng mataas na level ng lead ang mga play equipment na inilalagay sa mga playground sa bansa na mapanganib umano sa mga bata.
Kasabay nito, nanawagan ang EWC sa lahat ng mga environmental health advocate na ipa-ban ang lead sa mga pintura partikular na sa mga bagay na mai-expose ang mga bata.

Ayon sa ulat ng United Nations, 50 sa may 55 playground equipment sa Pilipinas ang may lead concentration na mas mataas sa 90 parts per million (ppm), ang limitadong lead content na itinakda ng DENR A.O. 2013-24 at inulit pa sa inilabas na EMB M.C. 2016-010.

Sa isinagawang pagsusuri ng EWC sa may 42 lead-coated playground equipment, aabot sa mas mataas 10,000 ppm ang nadiskubreng lead level.

Ang multi-layered lead painted na nasuri ay ang pinakamapanganib kung saan uma­bot sa 662,863 ppm.

Gumamit umabo ang EWC sa pang-detect ng lead level sa mga playground equipment ng handheld X-Ray Fluorescence (XRF) chemicals analyzer sa 12 public plagrounds na nasa Luzon (Baguio City), Visayas (Cebu, Lapu-Lapu and Mandaue Cities, and Consolacion, Cebu), Mindanao (Davao City) at sa National Capital Region (Caloocan, Ma­labon, Manila, Navotas at Quezon City).

“The high levels of lead detected on the paint of outdoor playground equipment are very worrisome and unacceptable. The paint will deteriorate with repeated use and exposure to sun and rain. This will cause the paint to peel and get into the dust and soil, which can be ingested by children through common hand-to-mouth beha­vior,” ayon kay Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EWC. (Juliet de Loza-Cudia)