Inatake ng isang grupo ng mga hacker ang Twitter account ng PLDT Customer Service dahil umano sa bagal ng internet service nito.
Huwebes ng tanghali nang i-hack ang verified Twitter account ng PLDT Cares. Ang PLDT ay kabilang sa mga kompanya ni Manuel V. Pangilinan.
Mula sa “PLDT Cares”, pinaglaruan ito ng hacker’s group na “Anonymous” at ginawang “PLDT Doesn’t Care”.
Nag-iwan din ng babala ang grupo.
“As the pandemic arises, Filipinos need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job,” sabi ng grupo na na nilagay din ang larawan ng kanilang logo.
“The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget. Expect us,” mensahe pa ng grupo.
Samantala, ipinahayag naman ng PLDT na naayos din nila ang pangha-hack sa kanilang Twitter customer service account at balik serbisyo na uli ito.
Siniguro rin ng kompanya na limitado lamang ang naganap na “security issue” at hindi naman apektado ang network at serbisyo ng PLDT.
Maraming netizen sa Twitter ang nagkomento sa pagkaka-hack sa service account ng PLDT Cares.
@byterology: “You deserve it. You truly doesn’t care.”
@lnzsclln: “Did Anonymous fix anything? No, but they made a cry for PLDT to fix their shit. The fact that this became trending and a lot of people agree with it just proves that the services they give is inadequate. Will PLDT do something? Probably not. After all, PLDT DOESN’T CARE.”
@bts_yoonminstan: “But its true pldt doesn’t care. Anonymous ph thank u”.
Matapos maibalik ang kanilang Twitter customer service account, nag-post naman ang PLDT Cares: “And we’re back! Hacking can happen to anyone. That’s why we should change ur passwords regularly to prevent unauthorized access to your accounts. We’re ready to serve you again.”
Sinabi pa ng PLDT sa inilabas nitong pahayag na batid nila ang pangangailangan ng mga tao sa mabilis na internet kaya nang ipatupad umano ang enhanced community quarantine simula noong buwan ng Marso ay binigyan ng speed boost ng PLDT ang kanilang mga fibr customer at dinagdagan naman ang data allocation ng mga mobile phone customer ng Smart.
Gayunman, pinahayag naman ang isa pang netizen.
@lnzsclln: “PLDT Doesn’t Care” — pretty much. will not forget how hard it was to do assignments for 3 months without internet. lol even now our internet is still pretty slow and shitty. they deserve this.” (W/Riley Cea)