PLDT-SMART susugurin ni Locsin

Inatasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang PLDT-Smart na kontrolado ng Salim group ng Indonesia at ng pamilya Gokongwei, na bitawan ang kanilang roaming agreement sa China at Vietnam dahil kung hindi ay kanyang susugurin aniya ang mga ito.

Nag-ugat ang insidente sa pagbisita ng ilang opisyal ng gobyerno at mga mamamahayag sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea noong Martes para sa inagurasyon ng beaching ramp ng Philippine Navy.

Pagdating nila sa isla nakatanggap ang kanilang mga mobile phone ng greetings matapos na i-switch ito sa roaming mode kung saan wini-welcome sila sa China o Vietnam, depende sa telco kung saan nakakonekta ang kanilang gadget.

Paliwanag ng kompanya ni Manuel V. Pangilinan, hindi gumagana ang cell site nila sa isla at posibleng ang mobile phone signal lamang ng China at Vietnam ang gumagana sa lugar.

Subalit hindi kumbinsido si Locsin sa sinabi ng PLDT-SMART.

“To PLDT. Just drop that roaming partnership shit with China and

Vietnam. You fuckers are making my work harder. I don’t give 2 shits

what your business plan is for that arrangement. Drop it before I

visit you,” sabi ni Locsin sa kanyang Twitter account.

Hindi rin sang-ayon si Locsin sa mungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magtayo ng cell site sa Pag-asa Island ang isang Philippine telco.

“No, we don’t have to set up anything. We just ban SMART from shit

partnerships like that. That’s why we are the state and SMART is just

a Philippine company,” sabi ni Locsin.

Okupado ng Pilipinas ang Pag-asa Island subalit inaangkin din ito ng China, Vietnam at Taiwan.