Hinimok ng isang kongresista ang mga kasamahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na muling pag-aralan ang nilalaman ng plunder law.

Ang apela ay ginawa ni Marikina Cong. Miro Quimbo sa mga kapwa mam­babatas kasunod ng pagpapawalang-sala ng Korte Suprema kay dating Pa­ngulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo na ipinagharap ng kasong plunder.

“I urge my colleagues to re-examine the Plunder Law as well as other similar non-bailable crimes,” pa­nawagan ng mambabatas.

Nag-ugat ang kaso ni Arroyo sa umano’y ire­gularidad sa paggamit ng intelligence funds ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Pangulo pa ito ng bansa.

Sinabi pa ni Quimbo na dahil sa isang non-bailable offense ay natatanggalan agad ng kalayaan ang isang indibidwal na nahaharap dito kahit nakasalang pa lamang sa paglilitis ang kaso.

“Fine, if the person is convicted. But if the person is found innocent, how do you restore a person’s lost years. We need to study this matter so such does not happen again,” dagdag ni Quimbo.

Kasabay ng pahayag ay hinimok nito ang lahat na irespeto ang naging desisyon ng Supreme Court (SC).

“Whether you agree with it or not, it is incumbent upon us to respect and follow the same,” ayon pa sa solon.

One Response