BAGUIO CITY — Matapos ang halos isang linggong pananatili sa pagamutan bumigay na ang katawan ng isang kadete sa Philippine Military Academy (PMA) at namatay dahil sa sakit na peptic ulcer.

Kinilala ni Lt. Col. Reynaldo Balido, tagapagsalita ng PMA, ang pasyente na si Cadet Fourth Class Erwin Christian Vergara, 19-anyos, taga-Alcala, Cagayan.

Ayon sa opisyal, noong nakaraang April 25 ay isinugod ang kadete sa Baguio General Hospital dahil sa pananakit ng tiyan at mula noon ay nanatili na sa ospital.

Ang naturang kadete ay pumasok lamang sa akademya noong April 1, 2017.