Magkakaroon ng apat na araw na pagpupulong ang mga iba’t ibang stakeholder, mining company at kaalyado nito para sa annual national safety and environment na gaganapin sa Baguio City, ayon sa Philippine Mine Safety and Environment Association (PMSEA).
Ayon sa PMSEA, na siyang nag organisa sa nasabing pagpupulong, ang Annual National Mine Safety and Environment Conference (ANMEC) ang siyang nangangasiwa sa halos pitong dekada sa promosyon ng occupational safety and health, environmental management at social responsibility.
Sinabi ng PMSEA, ang 66th ANMSEC ay gaganapin ngayong araw (November 19) hanggang 22 sa CAP, Camp John Hay Trade and Cultural Center sa Baguio City bilang paggunita sa 66 pananagutan sa mining.
“We’ve prepared an array of activities that highlights mining’s best practices and commitment to mine safety and environment of member-companies,” ani PMSEA president Dr. Walter Brown.
Sinabi ni Brown, ang apat na araw na pagpupulong ay mabibigyan ng oportunidad ang mga mining compa na tiyakin ang mga mining and environment safety. (Allan Bergonia)