Naglabas na ng pahayag ang government-run news agency na Philippine News Agency (PNA) kaugnay sa dalawang beses na pagpaskil ng ‘fake news’ o maling balita sa kanilang website na www.pna.gov.ph.
Ayon sa PNA, wala silang intensyon na magpakalat ng maling balita at hindi rin nila ito kinukunsinti.
“While there have been lapses in our judgment, it has never been the policy of PNA to tolerate erroneous report, and it has certainly never been our intention to sow misinformation, much less share what is termed nowadays as ‘fake news’,” nakasaad sa statement ng PNA na inilabas ngayong Martes.
Inako ng PNA ang pagkakamali at humingi ng paumanhin kung nagdulot ito ng pagdududa sa integridad ng news agency na pinatatakbo ng gobyerno.
Tiniyak ng pamunuan ang pagkastigo sa kanilang mga tauhan na responsable sa napaskil na impormasyon, larawan at artikulo.
“We regret that these mistakes have cast doubt on our integrity as a news agency. Rest assured we have dealt with our erring personnel and that we are reviewing our procedures on reportage as we continue to uphold our commitment to deliver accurate and balanced news reports to the Filipino people and the world,” pahayag ng PNA.
Ang palpak na artikulo ng PNA ay may pamagat na “Urban warfare a challenge for soldiers in Marawi” na napaskil sa website ng PNA noong Sabado, Mayo 27 kung saan ang ginamit na larawan ay isang eksena noon pang Vietnam War.
Isa pang sablay na balita ang napaskil na artikulo na may pamagat na “95 states convinced there are no EJKs in PHL” na kalaunan ay pinabulaanan ni DILG Assistant Secretary Epimaco Densing na nakapaskil sa kanilang website noong May 15.
Dahil sa serye ng fake news, sinuspinde ng News and Information Bureau (NIB) ng PNA ang nag-post ng maling photo sa website ng PNA.
Ayon kay Geraldine Agtay, director ng NIB, sinuspinde rin sa loob ng 15-days ang PNA reporter na sumulat naman ng maling balita.
ito pala ang government agency na ang trabaho ay magkalat ng fake news..hahahaha
PNA – under the Office of Sec. Andanar and Asst.Sec Mocha Uson….so Andanar + MOcha = Fake News.
Hanggat nariyan ang dalawang yan..hindi matitigil ang mga Fake News, dahil silang dalawa ang source ng mga ito….
PNA is an agency under Presidential Communications Operations Office headed by Secretary Martin Andanar. It became a web-based newswire service in 2003 but was initially launched as teletype newswire service on March 1, 1973.
With Andanar at the PCOO is Assistant Secretary Mocha Uson, a pro-Duterte blogger who said that she would use her position to spread “correct news” to Filipinos. According to a Rappler report, Uson herself has recently shared a photo supposedly showing security forces in Marawi City in prayer but that actually showed the Honduran police.