PNB-Lucio Tan inokray sa bulok na pera

Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan nang magpapalit ng pera na ibibigay sa kanyang mga inaanak.

Sa Facebook post ni Aby Ola, hindi nito kinaya ang nakitang malambot na at lumang tig-P20 at P50 bills na ayon pa sa kanya ay tila idi-dispose na.

“Shoutout naman sa PNB [Philippine National Bank] sana nagsabi kayo na for disposal pala yung ibibigay nyo samin divah mejo nagulat kami ha mejo lang naman,” saad sa post ni Ola.

May litrato rin itong inilagay sa kanyang FB post kung saan makikita ang mga naka-bundle na lumang P50 at P20 bills.

May ilang bumatikos dito na sana ay sinabi na lang umano ng netizen na bagong bill ang nais niyang matanggap, na kaagad naman nitong binuweltahan.

Pag-aari ng bilyonaryong si Lucio Tan ang PNB. (Ray Mark Patriarca)