PNG ni-reset sa May 2017

Gaya ng Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships, ni-reset ng Philippine Sports Commission ang taunang elite sports competition na Philippine National Games sa Mayo 2017 na buhat sa Dec. 1-5.

Pinabatid ito ng PSC sa website www.psc.gov.ph.

Unang ipinaalam sa publiko ang original schedule sa National Consultative Meeting na dinaluhan ng 160 sports officials sa PhilSports Arena sa Pasig sa nakalipas na buwan.

Wala pang eksaktong lugar na pagsasagawaan ng torneo sa bagong date. Dati ay sa Dumaguete City ito iniskedyul.

Ibinunyag din ng go­vernment sports agency ang paglipat ng Batang Pinoy sa Dumaguete City mula sa orihinal na Dec. 8-13 pa-Nov. 27-Dec. 2 sa Tagum City.

Giniit ni PSC chairman William Ramirez na ihalintulad ang PNG sa quadrennial China Games na tanging ang mga pinakamagagaling na homegrown athletes bawat probinsya o lungsod lang ang sumasabak sa event.

“It will be like the Olympics of China dahil ang sasali lang talaga ay ‘yung pinakamagaling na atleta ng isang lungsod o probinsya. We really like to pattern the PNG dahil most of the winners ng China Games ay nagiging medalist kung hindi man ginto kapag sumasali na sa Olympics,” ani Ramirez.

Huling ginanap ang national championships ng PNG nu’ng 2015 sa Lingayen, Pangasi­nan. Wala nang mga qualifying legs na dating ginaganap sa Luzon, Visayas at Mindanao.