Para sa mga avid reader ng Abante Tonite, lumipat na ng office ang Prage Management Services (Abante Tonite, Abante, TNT) sa Karrivin Plaza, Chino Roces Ext., Makati. Pinabendisyunan ang opisina kahapon, July 18.
Ang nag-officiate sa bendisyon sa kompanya ay si Rev. Richard Bolaton. Sinaksihan ang office blessing ng executive management – Rey Marfil (President), Gil Cabacungan (General Manager). Naging panauhing pandangal sina dating President Noynoy Aquino, a.k.a. PNoy, Senator Panfilo Lacson, etc.
Nagkaroon ng maigsing programa ang naturang affair kung saan dinaluhan ng ilang celebrity. Ang dating child star na si Jillian Ward na ngayon ay 13 years old na ay nagparinig ng dalawang kanta. Gayundin si Marion Aunor at ang ina niya na dating singer-actress, si Lala Aunor. Ang isa sa host ng ‘Umagang Kay Ganda’ na si George Cariño ay isa rin sa bumisita sa bagong office ng PMS.
Nagpaunlak din ng awitin ang nagguwa-guwapuhang grupo ng Clique V na sina Marco, Clay, Sean, Karl, Rocky, Tim, Kaizer at Blaize. Nagpamalas naman ng kanilang seksing sayaw ang Belladonnas na ayon sa kanila ang ibig sabihin ay beautiful ladies. Ito’y binubuo nina Quinn, Jazzy, Chloe, Rie, Xie, Phoebe at Tine.
Nagsilbing host sa maigsing programa sina Jun Lalin, Ambet Nabus at Rey Pumaloy. Ang dalawang entertainment editor — Abante Tonite na si Roldan Castro at Dondon Sermino ng Abante ang nagprepara sa programa.
Samantala, nagulat ang mga showbiz entertainer nang marinig ang pangalang Chloe ng isa sa member ng Belladonnas.
Inurirat tuloy nila ang magandang dalaga kung siya ba ang nali-link sa aktor at Vice Governor ng Bulacan na si Daniel Fernando. Sa una ay ayaw pang magsalita ang dalaga.
Dahil sa kakulitan nina Ambet at Rey, napa-oo nila ito. Pero noon daw ‘yun. Hindi naman tuwirang inamin ni Chloe kung naging boyfriend niya ang actor-politiko.
Pawang ngiti lang si Chloe. Kaya raw siya naging close kay Vice Gov. Daniel dahil magkaibigan ang kani-kanilang pamilya.
“Wala naman pong masama na maging kaibigan ko si Vice Gov. Pero, ngayon po ay hindi na rin kami nagkakausap,” ayon sa magandang Belladonas girl na taga-San Jose, Bulacan.
Ang PMS management ay taos-pusong nagpasasalamat sa mga celebrity na dumalo para bigyan ng munting kasiyahan ang mga empleyado ng kompanya.