Ipinahayag kahapon ni Sen. Panfilo Lacson na mala­bong magkaroon ng salary increase ang mga sundalo at pulis sa taong 2017, bagkus ay baka sa 2018 pa ito magkaroon ng katuparan.

Sinabi ito ni Lacson upang susugan ang naging paha­yag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na magkakaroon ng salary increase o dobleng umento ng sahod pagsapit ng Agosto 2016.

Ayon sa senador, malabong ibigay ang salary increase ngayong buwan ng Agosto. Kahit na sa susunod na taon, hindi na rin ito maihahabol dahil nakakasa na ang panukalang 2017 budget ng pamahalaan.

“I think sa 2018 he’ll make sure. Pero sa 2017 it’s highly improbable if not impossible,” ani Lacson.

Umaasa naman si Lacson na makakapagpaliwa­nag ang Malacañang kung bakit hindi matutupad ang naging pangako ni Duterte sa dagdag-sahod ngayong Agosto.

4 Responses