PNP, ARMY UNAHAN SA BIKER KILLER

Vhon Martin Tanto

Magkasabay na nagkasa ng kanilang manhunt operation ang buong puwersa ng Manila Police District (MPD) at Philippine Army (PA) laban sa PA Reservist na itinurong suspek sa pagpaslang sa 35-an­yos na gaming attendant na noo’na nag-viral pa sa social media ang vi­deo ng aktuwal na pamamaril noong  Hulyo 25 ng alas-9:36 ng gabi sa may P.Casal St. Quiapo, Maynila.

Unang nang binigyan ng deadline ni MPD Director PS/Supt. Joel Napoleon Coronel na hanggang alas-singko ng hapon kahapon para sa pagsuko ng suspek na si Vhon Tanto, 39 at taga 358 Fraternal St. Quiapo, Maynila, subalit hindi ito nagpakita.

Iniutos din ni Coronel ang shoot to kill sa sandaling manlaban kapag inaresto si Tanto na umano’y isang Muslim.

“He is armed and dangerous,” ayon kay Coronel.

Kinumpirma naman ni Army spokesperson Col. Benjamin Hao sa panayam sa radio dzBB na si Tanto ay Army reservist. Ngunit nilinaw nito na si Tanto ay wala sa active duty nang mangyari ang pamamaril dahil ito ay reservist lamang.

Dagdag pa ng Army spokesman na ang military ay hindi nag-iisyu ng armas at mission orders sa reservists.

Nabatid na natukoy ang pagkakinlanlan ni Tanto matapos mapanood ng mga tao sa tinitirhan nitong Barangay 385 Zone 39 ang kuha ng CCTV.

“Kumuha raw ito ng clearance sa barangay para dun sa anak niya na mag-aaral ng day care,” ayon naman kay SPO2 John Charles Duran, may hawak ng kaso.

Gayundin, isa pang testigo ang lumutang na MO 3745 ang conduction sticker ng kulay pulang Hyudai EON at hindi MO 3746 na una nang naialarma ng MPD ang sasakyan na minamaneho ni Tanto na minamaneho nito nang ang biktimang si Mark Vincent Geralde.

Sanhi nito, nilinis ni Coronel ang pangalan ng isang Nestor Punzalan, na lumutang sa National Bureau of Investigation (NBI) at may-ari ng kulay pulang Hundai EON na may conduction sticker na MO 3746 at nagpaabot na hindi siya ang suspek sa pagpatay sa biktimang si Geralde.

Tiniyak naman ni Manila Mayor Joseph Estrada na bibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Geralde at maging ang estud­yanteng si Rose Bondoc na tinamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Mary Chi­les Hospital.

Sa lumabas na CCTV records ay kitang kita sa video na hindi kinaya ng suspek ang biktima at pinaniwala nito ang biktima na nagkaayos na sila para makawala siya sapagkakasakal pero nang bumalik sa sasakyan ay kinuha nito ang kanyang .45 ka­libreng baril at saka nilapi­tan ang biktima at pinagbabaril.

Base sa kuha ng CCTV ng Barangay 385 Zone 39 nakita ang biktima lulan ng kanyang bisekleta at nang huminto ang suspek na driver ng kulay pulang Hyundai EON na may conduction sticker na MO 3746 nakitang kinausap ito ng biktima.

Kasunod nito ay buma­ba sa kotse ang suspek at nagsuntukan ang dalawa hangggang bumalik sa kanyang kotse ang suspek at kumuha ng baril at mu­ling nilapitan ang biktima na noon ay naglalakad na at saka pinagbabaril.

Mabilis naman bumalik sa kanyang kotse ang suspek at pinaharurot ang sasakyan papuntang Ayala bridge.

Sa impormasyong nakuha, bago nagsuntukan ang dalawa nabatid na nasagi ng suspek ang minamanehong bisekleta ng biktima dahilan para magtalo ang dalawa.