Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa na hindi batayan ang tagumpay ng kampanya ng pamahalaan kontra droga sa ilang mga namatay na drug suspects.

“Hindi ‘yung quota na ganito dapat ‘yung mapapatay mo. Kasi may notion na ganoon eh, may quota daw ‘yung mga units na ganito kadami ang papatayin mo at this point of time para papasa ka sa Project Double Barrel. No, hindi po totoo ‘yan,” ayon kay Dela Rosa.

Sa halip, ayon kay Dela Rosa, ang panguna­hing batayan at kinokonsidera ay ang bilang ng mga sumuko at naaresto ng kapulisan.

“Ang aming quota na sini-set is number of surrenderees at saka number of arrests, hindi ‘yung number of killed in police operations. That is a very unacceptable quota pagpatay ang pag-uusapan­ n­atin,” ayon kay Dela Rosa.

Sa ngayon, dagdag ni Dela Rosa, maituturing niyang nagtagumpay sila sa giyera kontra droga.

8 Responses

  1. Yunnaman talaga ang pakay ng admin ni Lord Digong ..kaya yong 3M na sinasabi ni Lord digong yun talaga ang puntirya na bilang para masabing succesfull ang kampanya..kaya humihingi ng extension kasi wala pa halos sa kalahati

  2. ung mga artista mukhang may listahan na PNp kaya isa isang sinusubaybayan at hinuhuli mga pushers at addicts na artista..huwag na ninyo antayin na mapatay kayo ng mga pulis bago sumuko,,,palala sa mga artista bistado na kayo…iisa isahin kayo ng pnp…

  3. Naguguluhan ako sa mga paliwanag ng mga opisyales ng gobyerno ngayon. Kung nagsasabi ba ng totoo o ginagago ang mamayan. Basta alam ko araw araw may napaoatay. Lumaban sa pulis. Kapag di naman lumaban. Pinatay ng vegelante At wala namang nahuhuli na pumatay. Tapos maririnig mo sa pinuno. Pumatay ng 3. Million. Hay sa grade one pupil na lang ako magtatanong. Masasagot pa ako ng matino

      1. Masosolve b yan n patayin mo. Bkit nangrape kac walang pera. Kung may pera kkuha ng byarang babae yan. Walang trabaho. Bagsak ang ekonomiya. Palawakin mo pag iisip mo.

      2. Oo Bagsak ang ekonomiya ng ating bansa ngayong Duterte Administration kasi wala ng nagbibinta ng mga druga. Yong panahon ni Aquino pinaka the best President siya kasi maganda ang ekonomiya ng ating bansa kasi maraming nagbibinta ng mga shabu at Illegal drugs. Kung ako lang bahala na bumaba ang ekonomiya ng ating bansa basta patayin ang mga user,pusher at protector ng shabu at illegal drugs sa ating bansa!