Pinayuhan ni Sen. Richard Gordon si Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maghinay-hinay sa mga pananalita laban sa mga sangkot sa ipinagbabawal na droga.
Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos na mapanood sa balita ang ginawang pagbabanta ni Dela Rosa sa mga pulis na sinasabing sangkot sa operasyon ng iligal na droga kung saan binantaan nito ang mga pulis na papatayin kapag hindi tumigil sa katiwalian.
Ipinaliwanag ng senador na maaaring sumabit ang PNP chief sa kanyang banta dahil wala naman itong “immunity” sa kaso kumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, hindi dapat na gayahin ni Dela Rosa ang Pangulo dahil sa magkaiba ang kanilang sitwasyon kung saan kahit magbanta ang Pangulo ay may immunity aniya ito kapag nagsasabi na papatayin ang mapatunayang sangkot sa ipinagbabawal na droga.
Sinabi pa ni Gordon na posibleng maharap sa kasong grave threat ang PNP chief sa ginagawa nitong pagbabanta sa buhay ng mga sinasabing sangkot sa illegal drugs operation.
“The PNP chief is not covered by the immunity from suit so he cannot just say, as he was reported to have said as a warning to the policemen on the list, that he will shoot them. He must likewise choose his statements more prudently to ensure that these do not constitute grave threat,” babala ni Gordon.
Nitong Lunes ay pinulong ni Dela Rosa ang mga pulis na sumuko sa punong tanggapan ng PNP sa Camp Crame matapos silang pangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Sa nasabing pulong ay nag-ala Duterte ito, nang murahin at pagbantaan ang mga sumukong pulis.
hahaha lahat ng nag cocoment dito mga walang isip. Di nag iisip. Makapag comment lang eh, ang siansabi ni Gordon ay ung mga kinikilos ng isang PNP Chief, maliwanag sa article sa itaas na wala siyang immunity. Pede niyang gawin ung mga utos ni presidente pero dapat si Presidente na lang ang aayuda dahil siya may immunity, si Bato wala bka makasuhan siya, Yana ng batas na umiiral, kung gusto niyo ng ganyang kilos, eh di baguhin ang batas. Ang mga pinoy nga naman kung mag isip, puro na lang negative. Lahat na lang magsalita laban kay Presidente at Bato, iniisip niyo kaaway, iniisip niyo protektor. Wag kayong masyadong maging mataas mga dutertards, 6 years lang mauupo si presidente, wag tayong mag kumpiyansa na ganyan lagi ang gagawin ng gobyerno
bakit gordon baka naman nag aabugado ka na sa mga druglord na yan
hay gordon cordon ..KSP kaba? …pati ikaw nakikisawsaw trabaho mo asikasuhin mo sayang binbayad nmin tax sayo.
Kahit na kasuhan nila si Bato ng ilang milyong beses ay ipa-pardon din ni Duterte yan dahil siya ang may utos in performance of his duty.
PNP Chief Ron Dela Rosa……your destiny start here…..embark now your journey to the Palace…..General, you are the sweet darling of the public….and one of the most trusted public servant…….
hoy dick gamitin mu nga yang kukote mo utak t*t* k tlaga!
yan nanaman lagi, batas…hahaha bakit ba ginawa ang batas na yan para proteksyonan ang mga kreminal???hahahaha hindi na po 100% na tao ang kreminal 60% demonyo na yan at 40 % lang ang pagiging tao nila….ang batas po para yan sa mga 100% tao! ang batas ay proteksyon para sa mga 100% taong inosente na target ng mga kreminal!
buti si chief may bayag eh ikaw gordon kupal ka lang mahilig umepal
hoy gordon, ang tagal mo ng pulitiko, may nagawa ka na ba para mabawasan ang droga sa pinas? o kahit sa subic na lang, mag ginawa ka ba para masugpo ang droga sa lugar mo? Si bato, totoong nagtratrabho at nagmamalaskit sa pinas.
BIGYAN NAMIN NG 100 PERCENT IMMUNITY KUNG MAPAPATUMBA NIYA MGA CORRUPT NA PULITIKO AT MALALAKING DRUG LORD KAHIT WAG NG PATAYIN TAKUTIN LANG SOBRA NA MGA KAWALANGHIYAAN SA PAGNANAKAW
psywar ang ginagawa ni bato alam nya yan sa ngayon kasi di na uso ang diplomasya lalo na yung mga sangkot sa illegal drugs,kailangan maging matigas ka.tsaka suportado naman sya ni pres. digong.