Mayroon nang person of interest­ ang Provincial Police­ Office-Region 1 (PPO-R1) Special­ Investigation Task Group (SITG) sa pananambang at pagpatay sa dating Philippine National Police, Pangasinan provincial director retired Police Gen. Marlou Chan, ng Calasiao, Pangasinan kamakailan.

Ayon kay PPO-R1 spokesperson Police Lt. Col. Mary Crystal Peralta, mismong si PPO-R1 regional director Police Brig. Gen. Joel Sabio Urduña na ang nangu­nguna sa imbestigas­yon upang agad maresolba ang kaso.

Sinabi ni Peralta, may mga persons of interest na silang tinututukan ngunit tumanggi munang tukuyin ang mga ito upang hindi makaapekto sa isinasagawang imbestigasyon.

Dagdag pa ng PPO-R1 spokesperson, mayroon na rin silang mga lead na sinusundan bagama’t inihayag nito na nagpapatuloy pa rin ang imbes­tigasyon.
Ayon sa opisyal, mula sa pinagmulan ng mga suspek hanggang sa execution ay mahigpit nilang iniimbestigahan sa tulong na rin ng nakuhang CCTV footage­ sa lugar.

Aminado rin si Peralta na posibleng planado ang pana­nambang kay Chan.

Nauna rito lulan ng kanyang orange na pick-up truck si Chan nang tambangan sa Brgy. Nalsian sa Calasiao ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Limang bala ng .45 pistol ang tumama sa kanya, dalawa ay sa leeg at dibdib sanhi ng kanyang pagkamatay. (Allan Bergonia)