PNP nakaalerto sa anibersaryo ng CPP-NPA

Inalerto ng Phi­lippine National Police (PNP) ang lahat ng kanilang unit sa buong bansa para sa posibleng pag-atake ng Communist Party of the Phi­lippines-New People’s Army (CPP-NPA) dahil sa nalalapit nilang ani­bersaryo.

Ayon kay Police Brig. General Bernard Banac, kilala ang communist group sa kanilang panggugulo lalo na kapag nalalapit na ang kanilang anibersaryo.

“Traditionally over the past decades and years ang CPP-NPA ay naglulunsad ng mga armadong pag-atake laban sa mga puwersa ng pamahalaan sa tuwing sumasapit ang kanilang founding anniversary, so ang mga ganitong petsa ay binabantayan ng ating PNP at tayo po ay may direktiba na sa ating mga police unit natin,” paha­yag ni Banac sa isinagawang press briefing sa Camp Crame kahapon.(Edwin Balasa)