PNP operation sa Negros Oriental; 14 patay

Bumulagta ang 14 katao sa tinaguriang Simultaneous Enhanced Managing of Police Operations (SEMPO) o OPLAN SAWRON ng Police Regional Office-7 sa probinsya ng Negros Oriental.

Sa report, walo sa napatay ay mula sa Canlaon­ City, apat sa Manjuyod habang dalawa sa Santa Catalina.

Ayon kay Police Brig. Gen. Debold Sinas, una nang inihain ang 37 search warrant sa iba’t ibang mga personalidad dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Sa 31 search warrant na naisilbi ng PNP, 14 ang napaslang ay matapos umanong manlaban sa pulisya habang 12 indibidwal ang kanilang nahuli.
Ang mga namatay ay kinilalang sina Steve Arapoc, Pansiao, Manulo Martin, Pansiao, Sonny Palagtiw, Pansiao, Eric Acabal, pawang taga-Manjuyod; Edgardo Avelino, Esmael Avelino, Rogelio Recomono, Genes Palmares, Gonzalo Rosales, Ricky Recomono, Masulog, Melchor Pana­rez, Mario Panares, pawang taga-Canlaon City at Ano Enojo Rapada, Franklin Lariosa, kapwa taga-Sta. Catalina.

Isang pulis naman ang nasugatan sa nasabing ope­rasyon matapos manlaban ang pakay ng kanilang dalang search warrant sa Sta. Catalina.