PNP sa Central Luzon nagpaalala sa Pokemon Go

pokemon-go-philippines

Nag-isyu ng paalala at safety tips ang kapulisan para sa mga manlalaro ng sikat na online game na Pokemon Go sa Central Luzon kabilang ang lalawigan ng Bulacan.

Narito ang ilang safety tips ayon sa mga awtoridad:

Iwasang maglaro habang nagmamaneho o tumatawid, mas mainam na mag-hunt ng mga Pokemon nang may kasama, hangga’t maaari iwasang pumunta sa mga ‘di ligtas at madidilim na lugar, pala­ging ma­ging alerto sa inyong kapaligiran, i-secure ang inyong mga gamit tulad ng bag habang naglalaro, at huwag mag-tresspass sa halip ay humingi ng permiso sa may ari ng lugar.

Tandaan, ito ay Pokemon Go, hindi Cellphone Go. Ito ay laro para ma-catch ‘em all, hindi para sa mga magnanakaw na ma-snatch your phone.