PNP tuloy ang laban sa jueteng

Patuloy na susugpuin ng Philippine National Police (PNP) ang anumang uri ng iligal na sugal sa bansa.

“The PNP will continue to enforce the law against illegal numbers games, particularly ‘jueteng’, ‘masiao’, and ‘Last 2’ as provided under the law,” pahayag ni PNP spokesperson, Col. Bernard Banac.

Binigyang-diin pa ni Banac na hindi maa-ring gawin ng PNP ang kanilang tungkulin na ipatupad ang batas sa iligal na droga at sugal.

Gayunman ay sinabi ni Banac na nauunawaan nila si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nais nitong tumutok sa problema sa iligal na droga.

“We submit to the wisdom of President Rodrigo Roa Duterte in his expression of preference to ‘jueteng’ than to drug trafficking as a means of livelihood by some people among the poorest sectors of society,” dagdag nito.