PNP zumba sinuspinde

Simula kahapon ay sinuspinde na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pang hapong zumba dance program sa iba’t ibang kampo gayundin ang ilang major program na dinadaluhan ng maraming tao bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus di­sease 2019 (COVID-19).

Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, hindi pa malinaw kung hanggang kailan ang suspensyon ng kanilang afternoon zumba dahil marami umanong mga pulis na gusto itong ipagpatuloy sa kondisyong magkakaroon ng medyo malayong pagitan ang bawat isa.

Sa ngayon ayon pa kay Gamboa ay kasalukuyang nagsasagawa ng drafting ng protocol ang PNP kung paano nila maipagpapatuloy ang zumba dance program sa kabila ng banta ng CO­VID-19 lalo na sa Natio­nal Capital Region (NCR). (Edwin Ba­lasa)