PNPA sa blowjob scandal sampolan sa Anti-Hazing Law

Dismayado si Senador Sherwin Gatchalian sa blowjob scandal sa Philippine National Police Academy (PNPA) kung kaya’t iginiit nito na dapat maparusahan agad ang kahihiyang dinala ng mga kadete.

Kinalampag ng senador ang pamunuan ng PNP upang mapanagot ang mga sangkot na kadete sa ilalim ng Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018.

“The PNPA administration must ensure that these disgraced cadets are prosecuted under RA 11053 and thrown behind bars for a very long time,” ayon kay Gatchalian.

Kasabay nito, hinimok rin ni Gatchalian ang PNPA upang sumunod na ang administrasyon sa Anti-Hazing Act of 2018.
Aniya, hindi dapat ikinukunsidera ang kultura ng hazing sa mga pulis dahil maaaring makaapek­to ito sa disiplina ng mga susunod na lider ng PNP.

“This is not how the future leaders of our national police force should act. It is disgraceful, to say the least,” sabi pa ni Gatchalian.