PNR Bicol Express bibiyahe na sa 2022  

Target na simulan ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project (Bicol Express) sa 2022.

Ito ang kinumpirma ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda sa binagong ‘funding structure’ ng proyekto na pinagtibay kamakailan ng National Economic Development Authority (NEDA) board.

Panukalang orihinal si Salceda, ilang taon nang nakaraan, ang proyekto ay bahagi na ngayon ng mga ‘priority flagship projects’ sa ilalim ng ‘Build Build Build’ Program ng administrasyong Duterte.

Inaasahang mapapatibay nito ang koneksyon ng mga ‘major airports and seaports’ sa Southern Tagalog at Bicol Region tungo sa mabilis na pag-unlad ng Hilagang Luzon.

May laan ng P299.4 bilyon ang modernong Bicol Express na isa sa pinakamalalaking proyekto ng pamahalaan.

Ayon kay Salceda na senior vice chair ng House committees on appropriation and ways and means, pinaglaanan ito ng P800 milyon sa 2016, P7 billion ngayong 2017 at P3 billion sa badyet  ng Department of Transportation (DOTr).

Kasama rin ang proyekto sa paglalaanan ng pondong tulong mula sa China sa ilalim ng Memorandum of Understanding na lalagdaan sa Nobyembre, kaugnay ng ASEAN Summit na gaganapin dito sa bansa.