Magbabalik ang operasyon ng Philippine National­ Railways (PNR) na biyaheng Bicol papuntang Manila sa susunod na taon.

Kinumpirma ni Engr. Jose Florece, Division Area Manager II ng PNR, na itinigil ang operasyon ng tren na biyaheng Bicol-Maynila dahil sa ginagawang pagsasaayos ng riles ng tren.

Maging ang tren na may rutang Naga-Legazpi ay itinigil dahil sira umano ang tatlong makina nito at hindi­ pa naaayos hanggang sa ngayon dahil sa kakulangan­ sa budget.

Matatandaang noong buwan pa ng Marso nasira ang bahagi ng riles sa Ragay na may habang 10 metro matapos bumagsak ang lupang kinakapitan nito dahil sa baha.