POC tali ang kamay sa baklas atleta ng NSA

POC tali ang kamay sa baklas atleta ng NSA

‘Di makakapanghimasok ang Philippine Olympic Committee (POC) sa pagbaklas ng national sports association sa atleta na parte ng national delegation na lalahok sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Tugon ito ni POC presi­dent Abraham ­Tolentino dahil sa pag-alis sa huling minuto ng Karate Pilipinas Sport Federation, Inc. at ng Skateboarding and ­Roller Sports Association of the Philippines, Inc. kina karateka Orencio James delos Santos at skateboarder Kiddo Trinidad sa nakaraang linggo.

Isa si Tolentino, ang pangulo rin ng Integra­ted Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling at representative ng Cavite 7th District sa Kongreso, sa mga dumalo sa lingguhang Philippine Sportswriters ­Association Forum nitong Martes sa Ameli Hotel sa Jorge ­Bocobo, Malate, Manila.

Kapwa inakusahan ng dalawang atleta sina sina KPSFI president Richard Lim at RSAPI president Monty Mendigoria na pinalitika lang sila.

Umani ng batikos ang mga opisyal at ­simpatya sa mga manlalaro mula sa mga netizen gaya ni ­singrer/actress Lea ­Salonga.

“‘Yang mga ganyang kasing policy ng NSA (national sports association) internal affairs yan,” ani Tolentino. “Kaya ‘di puwede mag-butt in ang POC.”

Dinagdag niyang may kani-kanyang panuntunan ang bawat NSA para mag-qualify ang athlete sa national team at sa kompetisyon gaya ng SEA Games sa bansa na ­bubuksan na sa Sabado.