Pocari-BaliPure faceoff sa finals

Mga laro bukas:(PhilSports Arena)
4:00 p.m. Creamline vs Power Smashers (Battle for 3rd)
6:30 p.m. — BaliPure vs Pocari Sweat (Final)

Parehong iginapos sa tatlong sets ng ­Pocari Sweat at BaliPure ang kanilang kalaban sa semifinal kahapon upang ­i-set ang paghaharap nila sa championship round ng 2017 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports ­Arena sa Pasig City.

Winalis ng defending champions Lady ­Warriors ang Power Smashers, 25-19, 25-22, 25-21 ­habang kinaladkad ng Water ­Defenders ang Creamline, 25-18, 25-13, 25-16 sa unang sultada upang itarak ang itg 2-1 serye sa kanilang best-of-three semis.

Nagsanib puwersa sina American import Michelle Strizak at Myla Pablo upang tulungan ang Pocari Sweat na sumampa sa Finals sa pangatlong sunod na pagkakataon.

Maghaharap ang two-time champion Lady ­Warriors at ­preliminary topnotcher Water ­Defenders bukas sa best-of-three finals series.

“Thank God na Finals-bound ulit kami,” masa­yang sabi ni Pocari Sweat coach Rommel Abella.

Lalong ginana­han maglaro ang Lady ­Warriors sa kalagitnaan ng second set matapos nilang malaman na may green light ng maglaro ang replacement import nilang si Krystal Rivers.

Tumikada si Strizak ng 19 points kasama ang 16 attacks habang nag-ambag si Pablo ng 17 puntos.

Dumating ang International Transfer Certi­ficate (ITC) ni Rivers habang nanonood ng laban.

Natanggap ng ­Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) ang ITC ng 6:51 p.m. at agad itong dinala at nakuha ng PVL ng 6:59 ng gabi.