Mga laro ngayon (Flying V Center, San Juan) 
10:00 a.m. – Air Force vs. Sta. Elena (men’s for 3rd) 
1:00 p.m. – Cignal vs. Mega Builders (men’s for crown) 
4:00 p.m. – Creamline vs. Air Force (women’s for 3rd) 
6:30 p.m. – BaliPure vs. Pocari Sweat (women’s for crown)

Pakiramdam ni Pocari Sweat power hitter Myla Pablo, kontrapelo sila sa BaliPure.

Nasa hukay na ang isang paa ng Lady Warriors­ nang yumuko 25-22, 25-19, 25-22 sa Game 1 ng Premier Volleyball League Open Conference finals laban sa Water Defenders noong Sabado.

Dahil best-of-three lang, kailangan manalo ng defending champion Po­cari Sweat sa Game 2 nga­yong gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan para makahirit ng decider.

“Every time kalaban namin ang BaliPure nawawalan kami ng receive, blockings,” ani conference MVP Pablo. “Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa amin ‘pag kalaban namin ang BaliPure.”

Pero hindi sumusuko si Pablo, tiwalang hindi lang Game 2 kung ‘di pati Game 3 ay kukunin nila para maiuwi ang fourth straight title.

“Sabi nga ni coach Rico (de Guzman) na ‘yung bida laging talo sa umpisa pero sa dulo ikaw ang panalo, ‘yun na lang ang iniisip namin,” dagdag ni Pablo.