Paglilinaw ni Senador Grace Poe, wala siyang hangad na maghiganti sa muling pag-imbestig­a ng kanyang komite sa maanomalyang Metro Rail Transit (MRT) 3 contract.

Sa halip nais lamang niyang ayusin ang mga kapalpakan at pagkakamaling ginawa ng mga nakaupong opisyal na nagbigay ng malaking kalbaryo at pahirap sa publiko dulot ng madalas na aberya sa operasyon ng MRT.

Ayon kay Poe, ang muling pag-imbestiga ng kanyang komite ay hindi para balikan o gantihan ang dating administrasyon kundi nais lamang niyang ayusin ang problema at hindi na ito maulit at higit sa lahat ay mapanagot ang dapat managot sa pagkakamali.

“Hindi tayo bumalik para maghigante. Bumabalik lang tayo para mai­lagay sa ayos para una, hindi maulit muli at pa­sensya na lang dun sa mga talagang mali ang ginawa,­ dapat pagbayaran nila ‘yun,” ayon kay Poe, chair ng Senate Committee on Public Services.

Tinukoy ng senadora ang halos araw-araw na kalbaryo ng mga mana­nakay ng MRT dahil sa madalas na pagkaaberya nito.

3 Responses

  1. Pag nagkataon ipapakulong ni Sen Poe ang mga yan lalong lalo na si Roxas at si Abnoy,..kaya dapat mam dapat maka 2nd term si ka Du30 O kayo poe mam takbo ulit kayo para presidente sa susunod na halalalan yan ay kung manalo poe kayo..Biruin nyo kung maka 2nd term si ka Du30 sus record breaking yan at 85 years old Du30 still a president…